Hog raising, life-changing!

It was dinner time but Aling Cristeta and her family were not gathered around a table to feast on a delicious and hearty meal. Instead, they were just about to sleep with empty stomachs.

The Silent Voice of an Aching Mother

To 48 year-old Cristeta Austria, her four daughters are everything. Likewise, she is the best mother through the eyes of her children. But no matter how much you want to give everything to the ones you love, there will always be a series of hurdles to keep you from doing it. For Aling Cristeta, that hurdle is called poverty.

Aling Cristeta and her family lives in Pola, a 3rd class municipality in Oriental Mindoro where majority of the local workforce depends on agriculture as a main source of income. Her family relies on the income of the pillar of the home or haligi ng tahanan who works as a tricycle driver. Yes. More or less three hundred pesos a day to support a family of six. Every single day, Aling Cristeta finds it difficult and even impossible to divide the money just to make ends meet. There were nights when they had to skip meals to save the money for school requirements of the children. “Ang bigat sa loob na makita ang aking mga anak na nagugutom tapos wala akong magawa,” cried Aling Cristeta as she recalls the lowest point in her life. “Yung tricycle na pinapasada ng asawa ko ay hindi naman sa amin. Hinihiram lang niya ‘yun. Kaya talagang hindi naiiwasan na mawalan siya ng trabaho pag hindi niya nahihiram. Apektado ang buong pamilya dahil wala kaming pambili ng ulam. Tiis-tiis lang sabi ko sa mga anak ko. Wala kaming makain talaga,” she added.

The Will to Change

Aling Cristeta cannot forget when the opportunity to change their situation knocked on her door. DSWD came 2008. She was selected as one of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries in the municipality. She didn’t know exactly what it means. All she knew was a financial assistance came from the government.

Through the series of orientation, she was able to understand the objectives of the program particularly its commitment in eradicating extreme poverty and hunger and promoting gender equality. She was able to help her husband support the family. She had the money allotted for her children’s school requirements and other immediate needs. Years after, Aling Cristeta availed another DSWD service, the Sustainable Livelihood Program (SLP) in 2012. “Bumisita ulit ang DSWD sa bayan namin. Sabi nila meron daw panibagong project. Ito nga ang SLP. Natuwa ako kasi panibagong oportunidad ito sa tulad kong mahirap,” she narrated.

SLP targets poor, vulnerable, and marginalized families and engages them in thriving livelihoods. “Sabi sa SLP, yung programa daw nila ang magbibigay ng puhunan na makakatulong upang makapagsimula ng negosyo. Naengganyo ako na sumali sa SLP dahil sabi ko sa sarili ko na ito na yung daan para makaahon kami sa hirap,” said Aling Cristeta.

Through the Self-Employment-Kaunlaran (SEA-K) Program, Aling Cristeta joined the association interested to venture in hog raising and received a capital assistance worth 10,000 pesos. “Bale 20 kami sa association noon. Noong sinabi nila na meron daw pagbababuyan sa program, naging interesado ako. Binigyan ako ng 10,000 [pesos] ng DSWD at ‘yun ‘yung ginamit ko na pambili ng dalawang baboy at pakain,” she narrated.

Aling Cristeta is now into entrepreneurial undertakings. She attended a series of technical assistance trainings organized by DSWD and its partner agencies to enrich her knowledge and skills to effectively manage her microenterprise. “Pagkalipas ng tatlong buwan, naipagbili ko na ‘yung dalawang baboy at tuwang tuwa ako na sa wakas kikita na ako. Noong hawak ko na yung perang napagbentahan ng baboy, sabi ko sa sarili ko na hindi ko ito uubusin. Katulad ng natutunan ko sa training sa hog raising, ang ginawa ko bumili ulit ako ng panibagong mga baboy na aalagaan para tuloy-tuloy ang kita,” she said hearing a smile in the tone of her voice.

Hard Work Pays Off

“Noong nakita ko na kaya ko na tumayo sa sarili kong paa, nag-waive na ako sa 4Ps. Sabi ko sa sarili ko na hayaan naman na may ibang mas mahihirap ang matulungan ng programa,” said Aling Cristeta.

Through SLP, she was able to venture into other microenterprises: distribution of frozen goods and poultry raising. “Bukod sa pagbababuyan, nakapagtayo na rin ako ng maliit na negosyo na poultry raising at frozen goods. Nagsimula ako sa 50 piraso na manok at ngayon ay 100 na ang aking inaalagaan,” she said. Starting a business is one thing and how to actually make it is another thing. Aling Cristeta has proven that she can manage both. She also shared how the program helped her children. She narrated, “Hindi lang ako sa aming pamilya ang natulungan ng SLP kundi pati na rin ang aking tatlong anak na sumali sa skills training na electronics. ‘Yung isa ko namang anak nagsabi sa’kin na mag-e-enroll daw siya sa pagtitinda ng frozen goods.” Aling Cristeta showed her support to her daughter, “Sabi ko sa kanya na kaya niya iyon at huwag siyang susuko. Ngayon ay na-destino siya sa Laguna at nakakapagbigay ng hindi bababa sa 1000 pesos kada buwan.”

Truly, she is now a successful entrepreneur, wife, and mother. Reaping the fruit of her labor did not happen overnight. It was something that took a while to take place. She recalled, “Dati ultimo maliit na bagay hindi ko maibigay sa pamilya ko. Wala silang makain tapos wala ding pambili ng gamit sa eskwelahan.” Through the course of the program, the series of skills training combined with persistence made way to her dream of becoming financially capable. “Hanggang ngayon, lahat ng natutunan ko sa SLP ay dala-dala ko parin,” Aling Cristeta proudly said. After waiving from 4Ps, she is now fully committed to her microenterprises.

Aling Cristeta leaves an inspiring message, “Para sa katulad ko na nangarap maiahon sa kahirapan ang pamilya, ‘wag kayong susuko. Patuloy kayong magtiyaga at ‘wag mawalan ng pag-asa. Samahan niyo palagi ng determinasyon ang inyong mga pangarap upang makamit ninyo ang inaasam na tagumpay.”

 

 

Posted in Story of change, Sustainable Livelihood ProgramComments (0)

Kwento ng pagbabago tungo sa kaunlaran

Siya si Rollie De Castro, 19 taong gulang mula sa Calapan, Oriental Mindoro. Isa siya sa mga mapalad na napiling maging iskolar ng DSWD sa ilalim ng programa nito na Sustainable Livelihood Program o SLP. Napili niya ang kursong bokasyonal na Welding at kamakailan lamang ay matagumpay niya itong natapos.

Si Rollie ay ika-apat sa anim na magkakapatid na tubong Calapan. Ang kanyang ama ay dating welder sa Saudi Arabia na ngayon ay nakabili na ng sarili niyang tricycle. Ang kanyang ina naman ay butihing maybahay.

Aminado si Rollie na ang pamilya nila ay maibibilang sa mga pinakamahihirap sa bansa, kaya naman bata pa lamang ito ay pinangarap na niyang makatulong sa mga magulang. Habang lumalaki, nakita ni Rollie kung paano nagpursigi ang kanyang mga magulang na maigapang ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit sa laki ng kanilang pamilya, madalas ay hindi pa rin sumasapat ang sweldo ng kanyang ama. Kaya naman, labis ang pasasalamat ng kanyang ina nang mapabilang bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD.

Laking tuwa din ni Rollie at ng kanyang pamilya nang maging iskolar siya sa kursong Civil Engineering. “Sa dami po naming magkakapatid, hirap po si mama at papa na pag-aralin kaming lahat ng sabay-sabay. Tapos po ako ng first year college noong iskolar ako ni Mayor. Pero napatigil dahil napabarkada, naimpluwensyahan po ng hindi maganda”, daddag ni Rollie. Madalas ay lumiliban siya sa klase at hindi din nakakadalo sa mga araw ng pagsusulit. Dahil dito, napagpasyahan niya at ng kanyang mga magulang na tumigil muna sa pag-aaral at sa halip ay ilaan ang pera para sa iba pa niyang kapatid.

Hindi naging madali para kay Rollie na mapag-iwanan ng kanyang mga kaibigan at kaklase. Marami sa mga ito ay nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo at magsisipagtapos na sa kursong napili. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagsisisi sa naging desisyon nito noon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, pursigido pa din ito na matulungan ang mga magulang kaya naman humanap ito ng paraan upang makabawi. Mula sa isang empleyado ng DSWD, nalaman niya na mayroong proyekto ang SLP para sa mga nagnanais matuto ng bagong kasanayan. “Pinapunta po ako sa city hall para daw magpasa ng requirements pero hindi ako nakaabot kaya inabangan ko na lang ‘yung susunod na batch pagkatapos ng isang taon. Awa naman po ng Diyos ay nakapasok ako,” salaysay ni Rollie.

Nagsimulang magsanay si Rollie sa kursong welding noong ika-6 ng Hulyo 2017. “Masaya po dahil natututo kami ng bagong kaalaman. Nakakapagod tsaka masakit sa mata pero hindi naman kasi maiiwasan dito sa trabaho namin”,aniya Rollie. Sa kabila nito, nagpupursigi pa rin siya na matapos ito dahil alam niyang ito ang daan upang makahanap ng magandang trabaho kung saan kikita siya ng malaki at makakatulong sa kanyang pamilya. Sa katunayan, siya ang napiling lider ng kanilang grupo habang ito ay nasa training.

Laking pasasalamat niya na naging bahagi ng programang tumutulong sa mga tulad niyang gustong iangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong kasanayan.

Lubos ang pasasalamat ni Rollie sa lahat ng institusyon na umalalay at hindi siya iniwan hanggang sa huli upang maging bahagi siya ng programang ito kabilang na ang DSWD, Southwestern College of Maritime, Business, and Technology, at TESDA na nagtulong-tulong upang maihatid ang programang pangkabuhayang ito sa ilalim ng SLP. Payo ni Rollie sa mga kabataang tulad niya na naligaw ng landas, “Matuto kayong tumayo mula sa pagkakadapa. Iwan niyo sa nakaraan ‘yung mga kamaliang nagawa niyo at magpursigi para magsimula ng panibagong buhay. Maging bukas lang palagi sa mga oportunidad. Maraming tao ang nandyan para tumulong sa inyo.”

Posted in feature, Sustainable Livelihood ProgramComments (0)

Cash to Flash: Multi-Purpose Production Center Arise

Through the combined efforts of all the members, Mamamayan ng Sihi Kaagapay sa Pag-unlad (MASIKAP) Cooperative of Brgy. Sihi, Buenavista received a Cash for Work worth Php 68,186.00 last September 20, 2017 for the construction of their multi-purpose production center.

The Norwegian Mission Alliance Philippines (NMAP), the cooperative’s partner agency, provided construction materials for the processing center. They can already use the facility to put and assemble their sewing machines and other tools and equipment. They can start making garments, process meats, and other products.

The MASIKAP Cooperative is composed of 33 members, with 20 Pantawid beneficiaries. Each participant received Php 2,351.25 for the 11 working days of CBLA. Though a bit delayed due to rainy weather condition in Marinduque, the production center was constructed from September 12, 2017 to October 3, 2017.

Contributor:

Cherilyn Malimata , Project Development Officer II, Marinduque

Posted in news, Sustainable Livelihood ProgramComments (0)

Marinduque’s Out-of-School Youth now Job-Ready Graduates

Last September 15, 2017, Epson Philippines conducted a mini job fair in Marinduque Technical and Vocational Institute (MTVI) where Pantawid Out-of-School Youth (OSY) from Boac and Gasan served as applicants.

Epson and the Provincial Public Employment Service Office (PESO) facilitated the examination and interview where 19 applicants passed. They are expected to report in Epson Precision Philippines Incorporated in Lipa, Batangas as soon as they complete the medical examination and all other documentary requirements.

A total of PHP 5,000.00 under the Pre-Employment Assistance Fund modality was given to each applicant to be used in processing their requirements. This project aims to capacitate out-of-school youth for better employment opportunities.

Contributor:

Jacqueline L. Ejanda, Project Development Officer II, Marinduque

Posted in news, Sustainable Livelihood ProgramComments (0)

Hinadharan SLPA receives grant from DOLE Marinduque

Last September 11, 2017, the Department of Labor and Employment (DOLE) awarded the DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Programs (DILEEP) grant amounting to PHP 486,795.00 to the Hinadharan Sustainable Livelihood Program Association (SLPA).

The Hinadharan Pantawid Sustainable Livelihood Program Association was formed and organized last March 15, 2016. The association is composed of 14 Pantawid beneficiaries who are tenant-laborers/farmers from Brgy. Hinadharan, Mogpog, Marinduque.

These farmers work whole day under the heat of the sun, yet the wage they get can barely support the basic needs of their families. During the conduct of Participatory Livelihood Issue Analysis (PLIA), the members came up to an idea to establish a bakery as a means of income generation. Two Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries have worked as master bakers, giving the proposal an edge for great market opportunity.

Barangays Hinadharan, Sayao, Mendez, and Pili are the projected primary consumers of the livelihood project while Brgy. Sta. Cruz is the secondary target market. The bakery will house affordable and tasty pandesal, monay, ensaymada, buns, and many more items.

The proposed livelihood project was approved for Seed Capital Fund (SCF) amounting to PHP 140,000.00 and was awarded last June 17, 2016. To be able to materialize the project, the Municipal Action Team of Mogpog tapped the Department of Labor and Employment (DOLE) for additional funding.

The association started the implementation by procuring all the needed materials and equipment. The elected SLPA officers will lead the management of the bakery. Aside from DOLE’s assessment on financial and labor component of the project, SLP will also continue to monitor the beneficiaries to assure the success of the project.

Other government agencies such as Department of Trade and Industry (DTI) will assist in market linkage while Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) will provide bread and pastry production training.

The SLPA envisions that the project would create a sustainable livelihood for its members to alleviate malnutrition and poverty among families.

Contributor:

Marieta J. Manzo, Project Development Officer II, Marinduque

 

Posted in news, Sustainable Livelihood ProgramComments (0)

Pagtatapos ng 400 SLP participants, idinaos sa Oriental Mindoro

ORIENTAL MINDORO –Matagumpay na idinaos ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) – MiMaRoPa sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang pagtatapos ng mga iskolar nito sa iba’t ibang kursong bokasyonal na ginanap noong ika-9 hanggang ika-11 ng Agosto 2017.

Katuwang ang mga Technical Education Skills Development Authority (TESDA)-accredited schools at training centers, 400 na iskolar sa kabuuan mula sa iba’t ibang bayan ng Oriental Mindoro ang tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos sa mga kursong electronics, masonry, welding, housekeeping, at scaffolding.

Electronic Products Assembly and Servicing NC II

Kaagapay ang Pinamalayan School of Science and Technology (PPST) Inc. at Wellcare Institute of Science and Technology (WIST), 165 trainees mula sa mga bayan ng Pola at Pinamalayan ang nagtapos sa kursong Electronic Products Assembly and Servicing NC II.

Ginanap sa Immaculate Heart of Mary Academy sa bayan ng Pinamalayan ang nasabing seremonya. Ilang kinatawan ng mga electronics companies ang dumalo sa pagtatapos upang humingi ng mga résumé sa mga nagsipagtapos. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga iskolar na makahanap agad ng trabahong papasukan.

Housekeeping, Masonry, at Welding

Katuwang naman ang Southwestern College of Maritime, Business, and Technology (SCMBT), 166 trainees mula sa Baco, Calapan, at San Teodoro ang nagtapos sa kursong housekeeping, masonry, at welding.

Ayon kay Dr. Marivic Fernandez, bise presidente ng SCMBT, “Malaking tulong talaga ang partnership ng DSWD at SCMBT sa pag-meet ng objectives ng both parties. Hindi lang ang mga trainees ang natutulungan kundi pati na rin ang mga institutions tulad namin na nagbibigay ng ganitong serbisyo.”

Scaffolding

Katuwang ang Probaton, 69 trainees naman ang nagtapos sa kursong scaffolding. Ipinagmamalaki ng direktor ng institusyon na si Engr. Belly Goleña ang kanyang mga estudyante sapagkat napagtagumpayan nila ang masinsinang pagsasanay na ito noong ika-6 hanggang ika-27 ng Hulyo ngayong taon. “They are fully equipped because sa umaga may lecture tapos the rest of the day ay actual demonstration sila. Nag-train sila sa scaffolding dahil sustainable. Sa fishing kasi kaunti na ang isda and sa farming naman ay may El Niño. Dito sa scaffolding, it takes only a maximum of 21 days of training tapos pwede ka na sumabak sa trabaho”, dagdag pa nito.

Ayon kay DSWD MiMaRoPa Regional Project Coordinator Domingo V. Agra, “Ang hangad namin pagkatapos ng training ninyo ay magkaroon kayo ng hanapbuhay na magsusustento sa inyong sarili at pamilya. Hangad namin na mayroong isang miyembro ng pamilya na makapagtapos ng isang kurso sa kolehiyo o makapaghanapbuhay. Iyan ang isa sa aming objectives sa SLP.”

“Ihanda natin ang mga sarili sa pagbabago. Bilang mga naghahanapbuhay, dapat ready tayo to be inspired by our family at pati na rin makakilala ng mga tao sa ibang environment,” dagdag ni Ginoong Agra.

“Napawi ang lahat ng sakripisyo at hirap sapagkat naiwan sa amin ang karunungan na aming pinag-aralan at ito rin ang magiging simulain o hagdan upang kami ay makapagtrabaho ng mas marangal at kapaki-pakinabang. Ipinapangako po namin na ang aming natutunan ang aming kalasag upang makatawid sa kahirapan katulad ng layunin ng programang aming kinabibilangan,” ayon kay Mark Henson Martinez, isa sa mga nagtapos ng Scaffolding.

Ang SLP ay isa sa mga pangunahing programa ng DSWD na nagpapaunlad ng kakayahan ng mga kalahok ng programa upang matulungan ang mga ito na itaas ang antas ng kakayahan nila upang madaling makahanap ng trabahong nais nilang pasukan. Sa pamamagitan ng skills training tulad ng mga nabanggit, nabibigyan ng pagkakataon ang mga ito na hasain ang kakayanan sa napiling training at mapaangat ang pangkabuuang antas ng pamumuhay.

Posted in news, Sustainable Livelihood ProgramComments (0)

  • don
  • nroc
  • pan
  • trans
don1 nroc2 pan3 trans4
CSS Slideshow by WOWSlider.com v4.7m

QRT Portal

Listahanan: Tuloy ang Pagbabago

  • CHILDREN
  • COLLEGE
  • DISABILITY
  • DISPLACEMENT DUE TO DISASTERS
  • ELECTRICITY
  • FARMERS FORESTERS FISHERFOLKS-
  • HIGHSCHOOL
  • IP Listahanan data
  • IP
  • MALE
  • Nutrition
  • OCCUPATION
  • OUTER WALLS
  • POOR HHS
  • ROOF
  • SAFE WATER ACCESS
  • SENIOR CITIZENS
  • http://wowslider.com/
  • WOMEN
cssslider by WOWSlider.com v8.7

Transparency Seal

Organizational Outcomes

Reference Maps

Tweet Us use Hashtag #DSWDMIMAROPA

November 2019
M T W T F S S
« Oct    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Related Sites

PHVsPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZHNfcm90YXRlPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVhLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzI8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjViLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzM8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVjLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX2ltYWdlXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vYWRzLzEyNXgxMjVkLmpwZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX21wdV9hZHNlbnNlPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X2Rpc2FibGU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfbXB1X2ltYWdlPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tL2Fkcy8zMDB4MjUwYS5qcGc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF9tcHVfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2Fkc2Vuc2U8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF90b3BfZGlzYWJsZTwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdG9wX2ltYWdlPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvdXBsb2Fkcy8yMDEzLzA3L2Jhbm5lcl9taW1hcm9wYS5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF90b3BfdXJsPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzE8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hZF91cmxfMjwvc3Ryb25nPiAtIGh0dHA6Ly93d3cud29vdGhlbWVzLmNvbTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2FkX3VybF8zPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy53b290aGVtZXMuY29tPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fYWRfdXJsXzQ8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb208L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hbHRfc3R5bGVzaGVldDwvc3Ryb25nPiAtIGRhcmtibHVlLmNzczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2F1dGhvcjwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19hdXRvX2ltZzwvc3Ryb25nPiAtIGZhbHNlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fY3VzdG9tX2Nzczwvc3Ryb25nPiAtIDwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2N1c3RvbV9mYXZpY29uPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvNC1mYXZpY29uLnBuZzwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXR1cmVkX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gZmVhdHVyZWQgc3RvcmllczwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2ZlYXRfZW50cmllczwvc3Ryb25nPiAtIDY8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19mZWVkYnVybmVyX2lkPC9zdHJvbmc+IC0gPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fZmVlZGJ1cm5lcl91cmw8L3N0cm9uZz4gLSA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19nb29nbGVfYW5hbHl0aWNzPC9zdHJvbmc+IC0gPHNjcmlwdCB0eXBlPVwidGV4dC9qYXZhc2NyaXB0XCI+DQoNCiAgdmFyIF9nYXEgPSBfZ2FxIHx8IFtdOw0KICBfZ2FxLnB1c2goW1wnX3NldEFjY291bnRcJywgXCdVQS0xNjg0OTA1Ni0xXCddKTsNCiAgX2dhcS5wdXNoKFtcJ190cmFja1BhZ2V2aWV3XCddKTsNCg0KICAoZnVuY3Rpb24oKSB7DQogICAgdmFyIGdhID0gZG9jdW1lbnQuY3JlYXRlRWxlbWVudChcJ3NjcmlwdFwnKTsgZ2EudHlwZSA9IFwndGV4dC9qYXZhc2NyaXB0XCc7IGdhLmFzeW5jID0gdHJ1ZTsNCiAgICBnYS5zcmMgPSAoXCdodHRwczpcJyA9PSBkb2N1bWVudC5sb2NhdGlvbi5wcm90b2NvbCA/IFwnaHR0cHM6Ly9zc2xcJyA6IFwnaHR0cDovL3d3d1wnKSArIFwnLmdvb2dsZS1hbmFseXRpY3MuY29tL2dhLmpzXCc7DQogICAgdmFyIHMgPSBkb2N1bWVudC5nZXRFbGVtZW50c0J5VGFnTmFtZShcJ3NjcmlwdFwnKVswXTsgcy5wYXJlbnROb2RlLmluc2VydEJlZm9yZShnYSwgcyk7DQogIH0pKCk7DQoNCjwvc2NyaXB0PjwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWU8L3N0cm9uZz4gLSBmYWxzZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX2hvbWVfdGh1bWJfaGVpZ2h0PC9zdHJvbmc+IC0gNTc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19ob21lX3RodW1iX3dpZHRoPC9zdHJvbmc+IC0gMTAwPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29faW1hZ2Vfc2luZ2xlPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19sb2dvPC9zdHJvbmc+IC0gaHR0cDovL3d3dy5mbzRiLmRzd2QuZ292LnBoL3dwLWNvbnRlbnQvd29vX3VwbG9hZHMvMy1kc3dkbG9nb193cC5wbmc8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19tYW51YWw8L3N0cm9uZz4gLSBodHRwOi8vd3d3Lndvb3RoZW1lcy5jb20vc3VwcG9ydC90aGVtZS1kb2N1bWVudGF0aW9uL2dhemV0dGUtZWRpdGlvbi88L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19yZXNpemU8L3N0cm9uZz4gLSB0cnVlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvcnRuYW1lPC9zdHJvbmc+IC0gd29vPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fc2hvd19jYXJvdXNlbDwvc3Ryb25nPiAtIHRydWU8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaG93X3ZpZGVvPC9zdHJvbmc+IC0gdHJ1ZTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3NpbmdsZV9oZWlnaHQ8L3N0cm9uZz4gLSAxODA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb19zaW5nbGVfd2lkdGg8L3N0cm9uZz4gLSAyNTA8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190YWJzPC9zdHJvbmc+IC0gZmFsc2U8L2xpPjxsaT48c3Ryb25nPndvb190aGVtZW5hbWU8L3N0cm9uZz4gLSBHYXpldHRlPC9saT48bGk+PHN0cm9uZz53b29fdXBsb2Fkczwvc3Ryb25nPiAtIGE6Mjp7aTowO3M6NjQ6Imh0dHA6Ly93d3cuZm80Yi5kc3dkLmdvdi5waC93cC1jb250ZW50L3dvb191cGxvYWRzLzQtZmF2aWNvbi5wbmciO2k6MTtzOjY4OiJodHRwOi8vd3d3LmZvNGIuZHN3ZC5nb3YucGgvd3AtY29udGVudC93b29fdXBsb2Fkcy8zLWRzd2Rsb2dvX3dwLnBuZyI7fTwvbGk+PGxpPjxzdHJvbmc+d29vX3ZpZGVvX2NhdGVnb3J5PC9zdHJvbmc+IC0gdmlkZW88L2xpPjwvdWw+