Ang mga C/MLs ng MIMARO habang nagsasagawa ng workshop para sa kanilang pagsasanay

Metro Manila – Matagumpay na isinagawa ang Learning and Development Intervention (LDI) on Strengthening Partnership and Advocacy upang pagtibayin ang kakayahan ng mga kawani ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development Field Office MIMAROPA sa Makati Palace Hotel, Makati City noong Nobyembre 26-29, 2018. Ito ay dinaluhan ng 53 City at Municipal Links (C/MLs) mula sa iba’t ibang munisipyo ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, at Marinduque.

Layunin ng nasabing pagsasanay ang mahubog pa ang kakayahan ng bawat kawani sa pagbuo ng ugnayan sa iba’t ibang ahensya at departamento na katuwang nila sa pagpapatupad ng programang Pantawid Pamilya sa kanilang mga bayan at mga probinsya. Kasabay nito, bibigyang-kaalaman din ng pagsasanay ang mga C/MLs upang mapagtibay ang adbokasiya ng programa katuwang ang mga benepisyaryo.

Nagsimula ang pagsasanay sa pagpapatibay ng kaalaman ng mga kawani patungkol sa iba’t-ibang uri ng pamamaraan ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang mga ahensya na nakakasalamuha nila sa kanilang mga munisipyo. Nagbahagi din ang bawat probinsya ng kanilang mga kinakaharap na suliranin pagdating sa pakikipag-uganyan o partnership at mga hakbangin na ginagawa nila upang mabigyan lunas ang mga suliraning ito. Ang mga nasabing gawain ay tinutukan at binigyang-diin ng mga Institutional Partnership Division Officers (IPDO) na sina Bb. Kacelyn Francisco, Civil Society Organization (CSO) focal, Bb. Margie Ann Fruelda, Supply Side Assessment (SSA) focal, at G. Ernesto David Jr, National Government Agency (NGA) focal .

Matapos nito ay binigyan din ng pagkakataon ang bawat isa na isagawa ang iba’t ibang aktibidades na makakatulong sa paghubog ng kanilang kakayahan sa Social Marketing sa tulong ni Bb. Maria Alyssa L. Esguerra, Regional Information Officer, at Bb. Diane Magbanua, Segment Producer of GMA News, tulad ng pagawa ng photo story documentation, news and feature writing, at kung paano humarap sa media.

Lubos na pasasalamat at ipinahatid ng bawat kalahok sa mga pagsasanay na ginawa nila sa loob ng apat na araw na gawain.

Inaasahan ng bawat isa na mas magiging mabuti ang pamamaraan ng komunikasyon at koneksyon nila sa mga katuwang na indibidwal, ahensya at mga departamento sa mga gawain patungkol sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ganun na din ang pag-asa nilang mas mapapabuti ang paglalahad nila ng mga gawain at kaganapan sa loob ng programa sa pagamit ng social media at iba pa.

Sa Disyembre 11-14, 2018, isasagawa naman ang LDI para sa ikalawang pangkat ng mga C/MLs ng Palawan sa Palawan Uno Hotel, Puerto Princesa, Palawan.###

 

Submitted by: Reylyn R. Villena

Loading