135 benepisyaryo ang dumalo sa isinagawang Family Day sa Barangay VI, Balabac, Palawan

Balabac, Palawan – Dinaluhan ng 135 na aktibong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Barangay VI sa bayan ng Balabac, Palawan ang isinagawang Family Day noong Pebrero 25, 2019 sa  Balabac National High School covered court. Nagsimula ang aktibidad ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa pangunguna ng sama-samang pagtutulungan ng Municipal Action Team (MAT) ng Balabac, Palawan kasama ang limang parent leaders ng baranggay.

Isingawa ang Family Day para sa mga benepisyaryo ng programa kaugnay ng kanilang diskusyon sa kanilang buwanang Family Development Sessions upang sariwain at mas makilala pa ng lubusan ang kahalagahan ng pamilya lalo’t higit ang maisaalang-alang dito ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa isang pamilya na kung saan ay malaya ang bawat kasapi nito na maipadama ang kanilang nararamdaman at maisabulalas ang kanilang mga saloobin. Ito din ay isinagawa upang mabigyang kasiyahan ang bawat pamilya ng benepisyaryo ng programa sa baranggay.

Isa sa mga layunin ng aktibidad ay magbigay ng kasiyahan sa mga benepisyaryo nito at paigtingin ang relasyon sa loob ng kani-kanilang pamilya

Pinuno ng mga masasayang palaro, paligsahan at patimpalak ang aktibidad. Aktibo rin namang nagpakitang gilas ang mga benepisyaryo sa pakikilahok sa mga aktibidad na ito at sa paghahandog rin ng isang sayaw. Isa sa mga inabangan sa aktibidad ay ang isinagawang kauna-unahang “Search for Gandang Nanay ng 4Ps 2019” na nilahukan ng apat at talentadong mga benepisyaryo. Si Nur-in Depaloma ay ang itinanghal na kampeon sa naturang paligsahan na ito.

Nang siya ay tanungin ukol sa kaniyang opinyon sa isyu na ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay hindi na halos nagsusumikap na maghanapbuhay dahil sa sila’y umaasa na lang sa perang kanilang natatanggap mula sa 4Ps, sinabi niya na ang pamilya niya ay nagsusumikap, kasama ng iba pang mga benepisyaryo upang mabuhay.

“Siguro meron nga pong iilan na umaasa nalang, pero kami ay nagsusum

Isa sa mga Inabangan ay ang paligsahan ng mga nagagandahang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya

kap naman naman na buhayin at maibigay ang pangangailan ng aming pamilya. Hindi naman kakasya at makabubuhay sa amin ang cash grants mula sa 4Ps dahil maliit lang naman ito, ngunit malaki nading tulong para sa amin lalo na sa pagpapaaral sa mga anak namin para maiangat ang aming buhay. Pero kami at lalo na ang asawa ko ay talagang nagtitiyagang magtrabaho para mabuhay,” dagdag ni Depaloma.

Matapos ang mga inihandang aktibidad, nagkaroon din ng pagbabahagi ng mga sertipiko na kumikilala sa sipag at kontribusyong nagawa ng limang parent leaders sa tuloy-tuloy na pagpapatatag sa pagpapatupad ng program. Ginawaran din ng sertipiko ang Balabac National High School sa pamumuno ng kanilang mahusay at butihing principal na si Antonio Pungyan, at ang mga nagsilbing hurado sa pagandahan ng mga nanay na sina Japhet Tirambulo, Nancy Tirambulo, at Bidalia Capinpin na pawang mga parent leaders din mula sa ibang barangay ng poblasyon ng Balabac, Palawan dahil sa kanilang naiambag sa tagumpay ng nasabing pagdaraos.

Sa huli, nasaksihan ng bawat isa na sila’y naging masayang masaya sa kanilang Family Day mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito. Ayon sa kanila, nawa’y magkaroon na ng regular na ganitong aktibidad para sa kanila taun-taon. ###

Contributor:

Prinz Jordan Arzaga Tumulak, Municipal Link, Balabac, Palawan (Writer)

Jordan Abalona (Photos)

Loading