Pinangunahan ni Ruby Lopez, ALS coordinator, ang pakikipagusap sa mga benepisyaryo upang patuloy na pumasok sa eskwelahan

Puerto Galera, Oriental Mindoro – Alinsunod ng programang Konektado ng Municipal Action Team ng Puerto Galera, matagumpay na isagawa ang community and facility visit sa isa sa pinakamalayong sitio ng bayan, Sitio Sipit Saburan, Barangay Villaflor ngayong Marso 8, 2019.

Layunin ng nasabing gawain na makapagbigay ng agarang solusyon sa mga benepisyaryo na hindi nakakasunod sa kondisyon ng programa sa edukasyon na sanhi ng malayong eskwelahan sa mga tahanan ng benepisyaryo.

Nagbigay rin ng iba pang mga paalala ang kawani ng Pantawid Pamilya para sa mga batang benepisyaryo

Kasama ang grupo mula sa Alternative Learning System(ALS) sa pangunguna ni Ruby Lopez, Puerto Galera ALS Coordinator, at mga kawani ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Oriental Mindoro, nagkaroon ng pagbabahagi ng mga updates sa programa ng Pantawid at pati na rin sa programa ng ALS. Hinikayat ng bawat isa ang pag eenroll ng mga bata sa ALS, lalong higit ang mga mag-aaral na di nakatuntong ng sekondarya dahil sa sobrang layo ng paaralan sa kanilang pamayanan.

Nakapagtala ang grupo ng ALS ng 30 na bata na nais mag-aral sa nasabing programa sa Hunyo, at inaasahan na ito ay dadami pa sa susunod na mga buwan.

Patuloy ang MAT Puerto Galera na magbigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng programa upang sila ay patuloy na makatanggap ng serbisyo at iba pang interbasyon mula dito at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno. ###

 

Contributed by: Reylyn Villena

Loading