Malate, Manila – Patuloy na maaantala ang payout para sa off-site payment ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya ngayong Hulyo dahil kasalukuyan pa rin ang pagpproseso sa bidding ng mga conduits na siyang magbabagahagi ng cash grant para sa mga lugar na mayroong limitadong sangay ng Landbak of the Philippines (LBP).

Samantala, hindi naman maapektuhan ang iskedyul ng payout sa mga benepisyaryong mayroong cash card ng Landbank o ng First Consolidated Bank ngayong Hulyo.

Ang aming tanggapan ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa LBP tungkol dito.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

 6 total views,  1 views today